Ang takot na madagdagan ang timbang ay isa sa mga common concern, lalo na sa mga first time birth control users. Gayunpaman, walang sapat na scientific evidence nagli-link sa modern birth control pills o patches sa pagbabago ng timbang. Ito ay dahil sa scientific advancements sa formulation ng hormonal contraception tulad ng pagbabago sa volume ng hormones na pinangangasiwaan. Sa artikulo na ito, ipapaliwanag namin lahat ng dapat mong malaman tungkol sa pagbabago ng timbang at hormonal birth control upang maunawaan itong karaniwang alalahanin.
Birth control pills nung nakaraan
Nung unang pinakilala ang birth control pills nung 1960s, ito ay nabuo ng may mas mataas na lebel ng estrogen kumpara sa birth control pills ngayon. In fact, ang unang combined pill ay naglalaman ng humigit-kumulang 3 to 7.5 times ng dami ng estrogen kumpara sa combined pills ngayon!
Ang mataas na dose ng estrogen ay maaaring maiugnay sa weight gain dahil maaari itong mag trigger ng fluid retention at fat gain mula sa gana ng pagkain. Ang original na mataas na dose ng hormones ay nakakadagdag din ng posibilidad sa mga kababaihan na mag devel ng iba pang di magugustuhang side effects. Sa paglipas ng panahon, ang dosage ng parehong progestin at estrogen sa birth control pills ay nabawasan.
Birth control pills and patches sa ngayon
Upang magsimula, ang pagtaas o pagbaba ng iyong timbang ay maaring dahil sa mga rason na ito:
- Pagbabago sa pagpapanatili ng fluid
- Pagtaas o pagbaba ng muscle
- Pagtaas o pagbaba ng mga taba sa katawan
Ang pagbabago bago ng timbang dulot ng pills sa nakaraan ay nai-ugnay sa pag increase ng fluid retention. Ibig sabihin na walang pagbabago sa fat o muscle levels.
Gayunpaman, birth control pills at patches ngayon ay naglalaman ng mas mababang amount ng estrogen kumpara sa hormonal birth control sa nakaraan. Weight gain bilang side effect ay hindi pangkaraniwan, at anumang pinaghihinalaang pagdagdag ng timbang mula sa modern birth control pills ay maaaring galing sa fluid retention, at hindi sa fat gain.
Bukod dito, makatitiyak na kahit nakaka experience ng weight gain sa birth control, maaaring ito ay pansamantala lamang at mawawala rin pagkatapos ng 2-3 months habang nag-aadjust ang katawan mo sa hormonal changes.
Ang Birth control pills at patches ay malabong magdulot ng pagdagdag or bawas ng timbang
Maraming pag aaral ang naisakatuparan ang paghahambing ng iba’t ibang uri ng hormonal contraceptives at ng epekto nito sa weight fluctuations. Sa kabutihang palad, ang mga pagsasaliksik na ito may konklusyon na walang konekta ang hormones sa birth control at sa kasunod na pagdagdag o bawas ng timbang.
Natuklasan ng mga mananaliksik na anumang pagbabago sa timbang na nangyayari habang gumagamit ng birth control pills ay hindi gaanong naiiba sa pabago bago ng timbang na natural na nangyayari sa paglipas ng panahon dahil sa pagbabagu-bago ng hormone.
Hindi pa malinaw kung paano maaaring mag-react sa birth control pill ang indibidwal na kababaihan. Sa katunayan, may ebidensya na nagpapakita na ang ibang mga kababaihan ay maaaring mas genetically predisposed sa pagdagdag ng timbang sa hormonal contraceptives kumapara sa iba. Ang side effects mula sa birth control pill ay may kaibahan sa bawat isa––at ang ilang mga gumagamit ay hindi kailanman nakakaranas ng anuman––kaya importanteng ma monitor mo ang mga sintomas kung mapagisipan mong mag simula gumamit ng ganitong klase ng contraceptive.
Laging tandaan
Ang pagbabagu-bago ng timbang ay isang ganap na wastong alalahanin, lalo na kung ikaw ay bago sa pag gamit ng hormonal contraceptives. Bagamat, hindi ito sapat na alalahanin upang pigilan ka sa pag kontrol ng iyong reproductive health. Tandaan na ang timbang at ang komposisyon ng katawan ay natural na nagbabago sa paglipas ng panahon, simula sa puberty hanggang sa menopause, at ang mga negatibong pananaw na umiikot sa pagdagdag ng timbang ay partikular na kadalasang binuo ng lipunan.
Kung mayroon kang anumang mga alalahanin…
Pag-navigate sa mga in at out sa pagsisimula sa pag gamit ng birth control ay maaaring maging isang nakakatakot na gawain. Kung kinokonsider mo gumamit ng hormonal contraceptives sa unang pagkakataon, meron kaming gabay sa aming blog para bigyan ka ng ideya. Kung hindi, kung meron ka mang ibang alalahanin––tungkol sa pagdagdag ng timbang o side effects sa pangkalahatan––maaari kang mag-book ng teleconsultation sa isa sa aming mga licensed physicians para malaman kung anong uri ng birth control pill ang maaaring ang pinakamahusay para sa iyo at masagot ang mga katanungan na meron ka.